Sabi nila, kung ayaw mo raw macriticize, do nothing! Speak nothing! and be… NOTHING! Hahayaan mo bang maging kawalan ka para lang walang masabi sa’yo ang iba? Eh kahit naman wala kang ginagawa, huhusgahan ka pa rin eh. Minsan nga, hindi pa nila alam ang pangalan mo, may sasabihin na sila agad sa’yo base sa nakita nila, base sa narinig nila, base sa pananaw nila. Minsan nga iniisip ko, kelangan ko pa bang magpakilala eh alam ko namang magpakilala man ako o hindi, may ihuhusga pa rin sila. Kahit ikaw, kritiko ka rin ng ibang tao. Kahit ako. kahit sino. Ikot-ikot lang. Dapat masanay.
