Translate

Linggo, Marso 17, 2013

Tagalog Quotes March 2013



Hindi na uso ngayon yung “Para kanino ka bumabangon?” Ang uso ngayon.. “Kanino ka napuyat at ngayon ka lang bumangon?”

——-

Wag kang mag-alala. Kung sa tingin mo maraming naninira sayo. Isipin mo nalang na sadyang INGGIT lang sila sa kung anong narating mo.

——-

Dear crush, ayokong dumating tayo sa point na lalayuan mo ako kasi nalaman mo na may gusto ako sayo.

——-

Nakakainis lang kapag lalapit ka sa akin kapag may kailangan ka lang.

——-

Kung masaya ka, wag mo ng isipin kung bakit. Damahin mo na lang habang nararamdaman mo pa.

——-

Yung totoo mong mga kaibigan di mo man sila ramdam everyday pero lagi naman sila andyan to make everything okay.

——-

Ang mga tunay na kaibigan parang pimples, maglalabasan yan pag may problema ka.

——-

Di lahat ng nakangiti masaya mas madali lang talagang ipakitang masaya ka kesa ipaliwanag sa lahat kung bakit ka malungkot.

——-

Ang pinakamalalang sakit siguro sa mundo ay KATAMARAN. Kasi, bibili ka na nga lang ng gamot para dito, tatamarin ka pa.

——-

Minsan, ang pagkukulang ay wala na sa taong nagbibigay. Minsan, nasa isip na lang ng taong binibigyan.

——-

Ang tunay na kaibigan ay parang monkey-eating-eagle. Endangered na.

——-

Wag mo masyadong paikutin ang mundo mo sa isang tao. Sige ka, kapag nasobrahan ka, ikaw din ang unang mahihilo.

——-

Hinding-hindi mo ko makikilala kung ang gagawin mo lang ay puro panghuhusga.

——-

Ang puso, isang maliit na parte lang ng katawan. Pero pag nasasaktan, buong pagkatao mo naaapektuhan.

——-

Subukan mong saktan ang mga kaibigan ko, ipapauso ko ang DOUBLE DEAD na TAO.

——-

Lahat ng tao NAPAPAGOD. Lahat ng tao may LIMITASYON. Kapag naramdaman nila na hindi na sila pinapahalagaan, tumitigil na lang sila.

——-