Translate

Biyernes, Abril 27, 2012

The Baket List

Katulad ng ibang medyo tumatanda, nawiwindang din ako kung papano ko iisipin ang mga kasagutan sa mga bagay bagay na magpasa-hanggang ngayon ay umuurirat sa aking utak.

Bago man lang sana ako mag-Saudi ng walang balikan ay masagot ko ang mga bagabag na ito.

Kaya naman napag-isip isip kong gumawa ng sariling Baket List at harinawa ay makahanap ako ng kasagutang kasing linaw ng mga sagot ni Brother Eli. Amen?







The Baket List



1. Bakit ang uwak ay kulay itim at ang tagak naman ay puti? Papano kung nagkabaliktad sila ng kulay?

2. Bakit ang sawsawan ng fishball kahit pinagsawsawan na ng buong bayan, masarap pa rin? Bakit hindi ito masarap isawsaw sa Silver Swan gayong ito ang opisyal na sawsawan ng bayan?

3. Bakit masarap mag night swimming sa gabi? Minsan nag-try ako nito sa araw pero parang may kulang. Baket?

4. Bakit sa mga pelikula, hindi nauubusan ng bala ang bida? At kung maubusan man, pati yung kalaban nya mauubusan din kaya magsusuntukan na lang sila. Baket?

5. Bakit kapag exam, mas madali mong naiisip ang sagot kapag ang lapis o ballpen ay naka-shoot sa tenga o bibig?

6. Kung totoong nabubulok ang kamatis, bakit kapag nagpatuli ka at nangamatis hindi naman sya nabubulok? Baket?

7. Bakit masarap kumain ng goto kapag may katabi itong punerarya?

8. Bakit ang patis kahit amoy patis masarap pero kapag hindi naman patis ang amoy patis masagwa?

9. Bakit ang ibon kapag sa gabi lumipad ibig sabihin mababa ang lipad? Bakit ang mga paniki hindi?

10. Bakit sa dinami dami ng puno, saging lang ang may puso? Saging lang ang may puso? Baket Mark Lapid? Bakeeettt?